Ano ang IBAN number?
Ang isang International Bank Account Number (IBAN) ay isang pamantayang international code na ginagamit para sa pagpapadala at pagtanggap ng mga bayad mula sa ibang bansa. Binubuo ito ng 34 na alphanumeric na karakter at nagsisilbing isang natatangging pagkakakilanlan para sa isang account sa bangko. Isinasama ng IBAN ang numero ng account at inaayos ito sa isang ispesipikong format, sinisigurado ang tumpak na routing at pagproseso ng mga internasyonal na bayad. Kinakailangan ang IBAN para sa mga pagpapadala ng pera sa mga bansa na kabilang sa IBAN, habang ang mga bansa na hindi kabilang sa IBAN ay maaaring kailanganin ang numero ng account.
Ano ang CLABE code?
Ang CLABE (Clave Bancaria Estandarizada) ay isang na-standardize na code sa pagbabangko na ginagamit sa pagnunumero ng mga account ng bangko sa Mexico. Ito ay binubuo ng 18 digit at palaging kasama ang numero ng account sa bangko ng tatanggap ng pera. Ang CLABE code ay mahalaga para sa mga paglilipat ng pera sa ibang bansa at kinakailangan mula Hunyo 1, 2004. Sinisigurado nito ang tumpak at episiyenteng routing ng pera sa taong tatanggap sa Mexico.
Ano ang ABA/Fedwire code?
Ang isang ABA (American Bankers Association) o Fedwire code ay isang natatanging pagkakakilanlan na itinalaga sa mga institusyong pinansiyal sa Estados Unidos. Ito ay isang siyam na digit na code na ginagamit para makilala ang mga bangko kapag nagpapadala o tumatanggap ng lokal at internasyponal na pagpapadala sa loob ng Estados Unidos. Ang ABA/Fedwire code ay kadalasang kinukuha mula sa pagbabayad sa bangko at maaaring ipakita sa statement sa bangko ng tatanggap.
Ano ang BIC SWIFT code?
Ang BIC (Bank Identifier Code) o SWIFT code ay isang internasyonal na kinikilalang pamantayan na format para sa pagkilala ng mga bangko at institusyong pinansiyal sa buong mundo. Ito ay isang natatanging alphanumeric code na ginagamit sa mga transaksyong pinansiyal upang masigurado ang tumpak na routing at pagproseso. Ang BIC/SWIFT code ay ginagamit kapag nagpapadala o tumatanggap ng internasyonal na bayad at nagsisilbi bilang maaasahang paraan sa pagkilala ng bangko ng tatanggap ng pera.
Ano ang BSB code?
Ang BSB (Bank-State-Branch) code ay isang six-digit na code na ginagamit sa Australia upang makilala ang isang ispesipikong bangko, estado, at lokasyon ng branch. Ito ay itinalaga ng Australian Payments Network at tumutulong na mapadali ang lokal na elektronikng pagbabayad at mga paglilipat ng pera sa loob ng Australia. Ang BSB code ay sinisigurado ang tumpak na routing ng pera sa sangay ng bangko ng tatanggap ng pera.