Mangyaring piliin ang account na nais mong mag-withdraw mula sa search bar sa pagpili ng account, at ilagay ang halaga na iwi-withdraw sa patlang sa ibaba.
Mangyaring piliin ang benepisyaryo para sa pag-withdraw na ito. Kung bago ang benepisyaryo para sa pag-withdraw na ito, maaari mong pinduton ang asul na hyperlink na “Lumikha ng Bagong Benepisyaryo”. Ito ay magdadala sa iyo sa pahina sa paglikha ng benepisyaryo, kung saan maaari mong makompleto ang impormasyon ng benepisyaryo.
Kapag nalikha mo na ang benepisyaryo, maaari kang bumalik sa pahina ng withdrawal upang ipagpatuloy ang proseso ng pag-withdraw.
Sa paggawa ng withdrawal na ito, mangyaring siguraduhin na iyong ilagay ang kinakailangang impormasyon sa mga patlang na Index at Mga tala.
Mangyaring tandaan na ang inilagay sa patlang na Index ay ipapakita sa benepisyaryo. Maaari mong ilagay ang mga impormasyon tulad ng numero ng invoice, numero ng order, o iba pang kaugnay na detalye. Ang inilagay sa patlang na Mga tala ay ipapakita sa iyo, at maaari kang maglagay ng anuamng tala kaugnay sa withdrawal na ito para magamit sa ilang gawain sa pamamahala at sanggunian sa hinaharap.
Kapag iyong nailagay ang mga impormasyon sa itaas, pindutin ang “Ipasa” upang kompletuhin ang pag-withdraw na ito.
Maaari mo pa ring pindutin ang “Transaksyon” upang makita ang mga ispesipikong detalye ng bawat pag-withdraw.
Ang tala na ito ay magbibigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa halaga ng pag-withdraw, petsa, benepisyaryo, at iba pang kaugnay na mga tala, para iyong makita at mapamahalaan ito nang maayos.