Ano ang KYC?
Ang KYC (Know Your Customer) ay tumutukoy sa mga hakbang at pamamaraan na ipinapatupad ng mga institusyong pinansiyal, mga provider ng serbisyo sa pagbayad, at iba pang kaugnay na organisasyon upang maunawaan ang pagkakakilanlan at impormasyon ng kanilang mga kostumer. Ang KYC ay isang proseso na nangangailangan sa mga institusyon na magsagawa ng kinakailangang pagsisiyasat at beripikasyon sa kanilang mga kostumer upang masigurado ang kanilang pagiging totoo, pagka-maaasahan, at pagsunod sa mga kaugnay na mga regulasyon.
Bakit kinakailangan ang KYC?
Ang KYC ay kinakailangan sa pagsunod para sa mga institusyong pinansiyal at iba pang katulad na organisasyon. Ayon sa regulayon at kaugnay na probisyon ng Australian Anti-Money Laundering and Counter-Terrorism Financing (AML/CTF), ang mga institusyong pinansiyal at kinokontrol na entidad ay kinakailangang magsagawa ng KYC sa kanilang mga kostumer at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang makilala at iwasan ang money laundering, pagpopondo sa terorismo at iba pang ilegal na gawain.
Tumutulong ang KYC na protektahan ang mga kostumer sa panloloko at pang-aabuso. Sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga kostumer na magbigay ng balidong pagkakakilanlan at iba pang kinakailangang impormasyon, ang mga institusyong pinansiyal ay masisigurado na protektado ang kanilang interes at maiiwasan nilang maging biktima ng mga aktibidad ng panloloko. Dagdag pa rito, ang KYC ay nagbibigay-daan para maunawaan ang pagkakakilanlan at panganib ng kostumer, gumawa ng naaangkop na hakbang upang maiwasan ang krimen sa pananalapi at tumugon sa kinakailangan ng pagsunod sa regulasyon.
Paano kompletuhin ang KYC?
Hakbang 1: Sagutan ang Personal na Impormasyon (kailangang palitan ang larawan - dahil may taglay itong personal na email).
Mangyaring magbigay ng batayang impormasyon ng pangunahing aplikante para sa iyong account, na dapat ay isang awtorisadong tagapirma ng iyong account.
Batay sa iyong kinakailangan sa pakikipagpalit, mangyaring piliin ang salapi na nais mong ipagpalit at magbigay ng tinatayang halaga sa isang taon (mangyaring gamitin ang salapi na iyong hawak bilang sanggunian).
Halimbawa, kung ang iyong kinakailangan sa pakikipagpalit ay Australian Dollar (AUD) papuntang United States Dollars (USD), ang tinatayang halaga ng transaksyon ay dapat sa Australian Dollar (AUD). Kapag nasagutan mo na ang kinakailangang impormasyon, mangyaring pindutin ang “Susunod”.
Hakbang 2: I-upload ang mga Dokumento
Mangyaring ihanda ang mga sumusunod na dokumento at siguraduhin na ang mga imahe at malinaw at nababasa.
- Primaryang dokumento sa pagkakakilanlan (inisyu ng pamahalaan)
- Sekondaryong dokumento sa pagkakakilanlan (kasama ang personal pangalan at address ng tirahan)
Mangyaring tandaan na ang laki ng file ay hindi dapat lumampas ng 5MB at dapat nasa format na JPG, PNG, o PDF.
Halimbawa ng mga primaryang dokumento sa pagkakilanlan
- lisensiya sa pagmamaneho mula sa Australia o ibang bansa o learner’s permit (kasama ang mga digital na lisensiya sa pagmamaneho)
- Pasaporte mula Australia
- card na nagpapatunay ng edad na inisyu ng pamahalaan ng Australia
- Dayuhang pasaporte na inisyu ng dayuhang pamahalaan o ng Nagkakaisang Bansa
- Internasyonal na dokumento sa paglalakbay na inisyu ng dayuhang pamahalaan o ng Nagkakaisang Bansa
Pambansang card sa paglalakbay na inisyu ng dayuhang pamahalaan o ng Nagkakaisang Bansa
- Dayuhang sertipiko ng kapangakan o sertipiko ng pagkamamamayan
- Mga concession card na inisyu ng pamahalaan tulad ng senior's concession card, healthcare card, o seniors health card
Tandaan: Kung ang mga dokumento sa paglalakbay o pagkakakilanlan ay nasa dayuhang wika at ang tao na nagbeberipika ng dokumento ay hindi nauunawaan ang wikang ginamit, ang kostumer ay dapat magbigay ng awtorisadong pagsasalin sa Ingles.
Halimbawa ng mga sekondaryong dokumento sa pagkakilanlan
- Isang abiso mula sa Australian Taxation Office o iba pang ahensiya ng pamahalaan, tulad ng Centrelink, na nagtataglay ng pangalan ng indibidwal o address kung saan nakatira - inisyu sa nakaraang 12 buwan
- Isang abiso ng singil ng pambayang konseho o bayarin sa yutilidad (tulad ng tulad, gas, o kuryente) na nagtataglay ng pangalan ng indibidwal o address kung saan nakatira - inisyu sa nakaraang tatlong buwan
- Para sa mga indibidwal na mababa sa 18 taong gulang, isang sulat na inisyu ng punongguro ng paaralan - inisyu sa nakaraang tatlong buwan - na nagdedetalye ng pangalan ng indibidwal, address ng tirahan, at ang kanilang pagpasok sa paaralan, o ID ng mag-aaral (kung mayroon)
Kung kinakailangan, ang aming customer service ay makikipag-ugnayan sa iyo upang magkolekta ng karagdagang dokumento na litratong pagkakakilanlan.
Hakbang 3: Rebyuhin ang Aplikasyon
Mangyaring rebyuhin ang impormasyon na iyong inilagay sa pahinang ito upang masigurado ang katumpakan. Kung may mga pagbabago na kinakailangan, mangyaring pindutin ang “I-edit” upang i-update ang iyong impormasyon.
Kapag nakumpirma mo na ang lahat ay tama, mangyaring pindutin ang “Susunod”.
Hakbang 4: Ipasa ang Aplikasyon
Bago mo opisyal na ipas ang iyong KYC, mangyaring basahing mabuti ang mga sumusunod na dokumento:
- Tuntunin at Kondisyon ng Account
- Proseso ng Reklamo ng Account
- Patakaran sa Pagkapribado
Sa paglikha ng isang account, iyong ipinapabatid ang iyong pagsang-ayon sa mga tuntunin at patakaran na binabanggit sa mga dokumento sa itaas. Mangyaring siguraduhin na lubos mong nauunawaan at tinatanggap ang mga dokumentong ito bago magpatuloy.
Upang mas maberipika ang iyong pagkakakilanlan, kami ay magsasagawa ng elektronikong beripikasyon at awtentikasyon ng pagkakakilanlan. Sa huling hakbang, mangyaring ilagay ang buong pangalan ng may-hawak ng account para sa kumpirmasyon (siguraduhin na ang kanyang pangalan ay tugma sa pangalan na nasa opisyal na dokumento ng pagkakakilanlan).
Pagkatapos, pindutin ang “Ipasa” para magpatuloy.
Kapag matagumpay ang pagpasa ng iyong KYC, makakatanggap ka ng isang mensaheng notipikasyon na nagkukumpirma ng pagpasa. Kapag ang beripikasyon ng iyong KYC ay kompleto at naaprubahan na, makakatanggap ka ng mensaheng notipikasyon (maaaring sa pamamagitan ng email).