Ano ang KYB?
Ang KYB (Know Your Business) ay isang set ng mga hakbang at pamamaraan na ipinatutupad ng mga institusyong pinansiyal, mga provider ng serbisyo sa pagbayad at iba pang kaugnay na group upang makilala at maberipika ang mga negosyo sa mga ugnayang komersyal. Ang KYB ay isang proseso na nangangailangan sa mga institusyon na magsagawa ng lubos na pagsisikap at beripikasyon sa kanilang mga kostumer upang masigurado ang kanilang pagiging totoo, pagka-maaasahan, at pagsunod sa mga kaugnay na mga kinakailangan sa regulasyon.
Bakit kinakailangan ang KYB?
Ang layunin ng KYB ay upang masigurado ang pagsunod sa mga transaksyon sa negosyo at para maiwasan ang mga ilegal na gawain tulad ng money laundering, korapsyon at pagpopondo sa mga terorista. Sa pamamagitan ng KYB, ang isang institusyong pinansiyal, negosyo, o provider ng serbisyo ay maaaring itasa ang relasyon nito sa ibang mga negosyo at kumpirmahin na ang kabilang partido ay lehitimo, maaasahan at sumusunod sa mga kaugnay na regulasyon at patakaran.
Tumutulong ang KYB na protektahan ang mga kostumer sa panloloko at pang-aabuso. Sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga kostumer na magbigay ng balidong pagkakakilanlan at iba pang kinakailangang impormasyon, ang mga institusyong pinansiyal ay masisigurado na protektado ang kanilang interes at maiiwasan nilang maging biktima ng panloloko. Dagdag pa rito, ang KYB ay nagbibigay-daan para maunawaan ang pagkakakilanlan at panganib ng kostumer, gumawa ng naaangkop na hakbang upang maiwasan ang krimen sa pananalapi at tumugon sa kinakailangan ng mga regulator.
Paano kinokompleto ang KYB?
Hakbang 1: Sagutan ang Batayang Impormasyon
Pakibigay ang lahat ng detalye ng kumpanya para sa iyong account. Kinakailangan mong mag-upload ng nagpapatunay na dokumento tungkol sa kompanya tulad ng:
- 1 dokumento na nagbabanggit kung sino ang CEO/mga direktor/benepisyaryo
- 1 dokumento para sa patunay sa address
Halimbawa ng mga opsyonal na dokumento:
- Buong pangalan ng kompanya na nakarehistro sa pamamagitan ng ASIC
- ABN/ACN/ARBN o katumbas nito
- Bansa kung saan nagrehistro
- Pangalan ng bawat direktor at benepisyaryo
- Kompletong address ng negosyo
- Kompletong address para sa pangunahon lugar ng negosyo
Batay sa iyong kinakailangan sa pakikipagpalit, mangyaring piliin ang salapi na nais mong ipagpalit at magbigay ng tinatayang halaga sa isang taon (mangyaring gamitin ang salapi na iyong hawak bilang sanggunian).
Halimbawa, kung ang iyong kinakailangan sa pakikipagpalit ay Australian Dollar (AUD) papuntang United States Dollars (USD), ang tinatayang halaga ng transaksyon ay dapat sa Australian Dollar (AUD). Kapag nasagutan mo na ang kinakailangang impormasyon, mangyaring pindutin ang “Susunod”.
Hakbang 2: Impormasyon ng Benepisyaryong May-ari
Mangyaring pumili ng isa o dalawang pangunahing benepisyaryong may-ari depende sa aktwal na sitwasyon ng korporasyon
At sagutan ang Detalye ng May-ari na Benepisyaryo.
At pagkatapos ay ihanda na i-upload ang mga dokumento sa pagkakakilanlan. Mangyaring ihanda ang mga sumusunod na dokumento at siguraduhin na ang mga imahe at malinaw at nababasa.
- Primaryang dokumento sa pagkakakilanlan (inisyu ng pamahalaan)
- Sekondaryong dokumento sa pagkakakilanlan (kasama ang personal pangalan at address ng tirahan)
Mangyaring tandaan na ang laki ng file ay hindi dapat lumampas ng 5MB at dapat nasa format na JPG, PNG, o PDF.
Halimbawa ng mga primaryang dokumento sa pagkakilanlan
- Lisensiya sa pagmamaneho mula sa Australia o ibang bansa (kasama ang digital na lisensiya sa pagmamaneho)
- Pasaporte mula Australia
- Card na patunay ng edad na inisyu ng pamahalaan sa Australia
- Dayuhang pasaporte na inisyu ng isang dayuhang pamahalaan o ng Nagkakaisang Bansa
- Internasyonal na dokumento sa paglalakbay na inisyu ng isang dayuhang pamahalaan o ng Nagkakaisang Bansa
Halimbawa ng mga sekondaryong dokumento sa pagkakilanlan
- Isang abiso mula sa Australian Taxation Office o iba pang ahensiya ng pamahalaan, tulad ng Centrelink, na nagtataglay ng pangalan ng indibidwal o adres kung saan nakatira - inisyu sa nakaraang 12 buwan.
- Isang abiso ng singil ng pambayang konseho o bayarin sa yutilidad (tulad ng tulad, gas, o kuryente) na nagtataglay ng pangalan ng indibidwal o adres kung saan nakatira - inisyu sa nakaraang tatlong buwan.
- Para sa indibidwal na may edad na mababa sa 18 gulang, kailangan ang isang liham mula sa isang punongguro ng paaralan - inisyu sa nakaraang tatlong buwan.
Kung kinakailangan, ang aming customer service ay makikipag-ugnayan sa iyo upang magkolekta ng karagdagang dokumento na litratong pagkakakilanlan.
Hakbang 3: Impormasyon ng Awtorisadong Tao
Mangyaring sagutan ang detalye para sa Awtorisadong tao. Kung ito ay kapareha ng Benepisyaryong May-ari, maaari mong i-click ang tab para sa binabanggit na Benepisyaryong May-ari,.
Kung hindi, mangyaring sundin ang panuto sa pahina at sagutan ang impormasyon at i-upload ang mga sumusuportang dokumento ng awtorisadong tao, ang mga kinakailangan ay katulad para sa benepisyaryong may-ari. Pagkatapos ay pindutin ang “Susunod”.
Hakbang 4: Suriin ang Aplikasyon
Mangyaring rebyuhin ang impormasyon na iyong inilagay sa pahinang ito upang masigurado ang katumpakan. Kung may mga pagbabago na kinakailangan, mangyaring pindutin ang “I-edit” upang i-update ang iyong impormasyon.
Kapag nakumpirma mo na ang lahat ay tama, mangyaring pindutin ang “Susunod”.
Hakbang 5: Isumite ang Aplikasyon
Bago mo opisyal na ipas ang iyong KYB, mangyaring basahing mabuti ang mga sumusunod na dokumento:
- Tuntunin at Kondisyon ng Account
- Proseso ng Reklamo ng Account
- Patakaran sa Pagkapribado
Sa paglikha ng isang account, iyong ipinapabatid ang iyong pagsang-ayon sa mga tuntunin at patakaran na binabanggit sa mga dokumento sa itaas. Mangyaring siguraduhin na lubos mong nauunawaan at tinatanggap ang mga dokumentong ito bago magpatuloy.
Upang mas maberipika ang iyong pagkakakilanlan, kami ay magsasagawa ng elektronikong beripikasyon at awtentikasyon ng pagkakakilanlan. Sa huling hakbang, mangyaring ilagay ang buong pangalan ng may-hawak ng account para sa kumpirmasyon (siguraduhin na ang kanyang pangalan ay tugma sa pangalan na nasa opisyal na dokumento ng pagkakakilanlan).
Pagkatapos, pindutin ang “Ipasa” para magpatuloy.
Kapag matagumpay ang pagpasa ng iyong KYB, makakatanggap ka ng isang mensaheng notipikasyon na nagkukumpirma ng pagpasa. Kapag ang beripikasyon ng iyong KYB ay kompleto at naaprubahan na, makakatanggap ka ng mensaheng notipikasyon (maaaring sa pamamagitan ng email).