Kung sa tingin mo ikaw ay naging biktima ng panloloko, mangyaring gawin ang mga sumusunod na hakbang upang protektahan ang iyong sarili at ibang tao sa lalong madaling panahon.
Ipagbigay-alam sa amin sa pamamagitan ng pag-email sa support@ruizean.com na may detalye ng anumang transaksyon na hinihinala mo na peke, kasama ang numero ng account, petsa, at halaga.
Kung maaari, mangyaring magsama ng isang deskripsyon kung paano isinagawa ang panloloko.
Kung ikaw ay may account sa ibang mga institusyong pinansiyal na kabilang sa pekeng transaksyon, agad na ipaalam sa kanila gamit ang naaayong mekanismo sa pag-uulat ng panloloko.
Ang panloloko ay isang krimen at dapat na iulat sa iyong lokal na pulisiya.
Maaaring humiling kami ng kopya ng ulat ng pulis upang makatulong sa aming imbestigasyon.
Itigil kaagad ang lahat ng komunikasyon sa lahat ng mga hinihinalang manloloko.
Ang pag-aalok ng pagbabalik ng pera ay kadalasan ay pagpapatuloy ng orihinal na scam.
Ang RZ Forex ay lubos na nakatuon sa paglaban sa panloloko. Ang lahat ng notipikasyon ng panloloko ay iniimbesitgahan at nilulutas ng aming mga patakaran at pamamaraan at bawat pagsisikap ay ginagawa upang protektahan ang aming mga kostumerat komunidad mula sa panloloko.
Ang mga manloloko ay gumagamit ng napakaraming dahilan para makumbinsi ka na magpadala ng pera sa kanila. Iwasan ang mga scam tulad nito:
Paggawa ng pagkataranta: Ang mga indibidwal ay gumagawa ng pagkataranta sa pagpapadala ng mga babala tungkol sa kahina-hinalang gawain o sa pagsasabi na ‘may hindi kilalang device na nakapag-akses sa iyong account.’ Palaging magsigurado bago tumugon.
Ang mga manloloko ay minamadali ka sa pamamagitan ng pagpilit sa iyo na gumawa ng agarang pagkilos. Mag-isip mabuti kung sinabiban ka na ‘tumawag agad’ dahil ‘mayroon kang nalimutang mahalagang tawag’.
Ang mga manloloko ay maaaring gumamit ng napakagalang at palakaibigang pananalita upang madaling paniwalaan. Muli, siguraduhin ang numero, at kung may pagdududa ka, ibaba ang tawag at tumawag muli gamit ang numero sa pakikipag-ugnayan mula sa opisyal na website ng organisasyon na sinasabi ng manloloko na siya ay nagmula.
Ang pagpapadala ng mensahe pagkatapos na tumawag ay isang istratehiya ng mga manloloko para magkaroon ng kredibilidad.
Palaging suriin kung ang isang mensahe mula sa isang bangko o money service ay totoo.